there is light at the end of the tunnel. and it's coming from a train. it just hit me: i am my religion.

Tuesday, February 24, 2009

eksena sa cembo

may isang pamilya sa brgy. cembo sa makati city na ubod ng bastos. mga walang trabaho mga anak, mga apong lasenggo, mga apo sa tuhod na hindi karapatdapat i-display. ang paraan ng pagbati nila ay alin lang sa dalawa: "uy, ang payat mo na." o "uy, ang taba mo." yan lang ang kaya nilang ilagay sa kokote nila, yun lang kasi ang kasya.
pinagmamalaki ng lola ng mag-anak na ito ang fact na matagal na siyang nakatira duon, 1940's pa raw. nyek! around that time, puro talahib lang dun, mga snatcher at sari-saring masasamang-loob ang nakatira duon. tambakan din ito ng mga sinalvage ( in stupid hampas-lupa language it means the corpse of a murdered person).
anong ipinagmamalaki nila? na nuon pa man panget na lugar nila?

oo, sa lugar nila, eksena sa umaga ang mga babaeng may bitbit na sanggol habang nakikipag-chismis sa kapitbahay o sa kung sinumang inaakala nilang kaibigan nila. ang usual topics ay kung sino ang nahuli nilang nagnakaw ng mga sinampay dun sa mga hindi-squatters, sino ang nabuntis, na sana ay ilibre naman sila sa jollibee, at mga kwento tungkol sa mga kamaganak nilang mayaman na malamang ay hindi sila kilala at isinusuka na sila pero ipinagmamalaki pa nila ito.

No comments: